Friday, February 6, 2009

Nagkatagtagan na kaming lahat!

Paano ba?
Paano ko ba sisimulan to?
Emmmm....Ahhh...Ummm....
Para akong lalagnatin nito...
Natatae,nauutot...Di ko alam kung san ako mgsisimula...
Binigyan nyo pa ako ng sakit ng ulo ha...
Sino bang nagpauso nitong TAG TAG nato?
Tagtagin kaya natin?



(Isip...Isip...Isip ulit...)


Napiga utak ko ah...
Subukan kong eexplain ha....
Ganito kasi yon...
Isang taon na ang blog ko,bago ako nakarecieve ng award award
na yan,at tag tag.
Feeling ko kasi di ako ng exist sa blogphere world na ito.
In short di ako masyadong nakikihalo bilo sa mga kablog.
Leave a message lang ng kaunti.Mga personally kilala lang
kasi ang inientartain ko.
Di tulad ngayon,parang nakikipag chickkahan na din ako,
sa mga di ko kakilala...
Bagay na nakaka improve at ngpapalawak lalo sa aking kaisipan.
Ngsimula ang lahat ng ito,mula ng dumapo si Kuya Eli sa blog ko.

(Nagcomment sya sa post ko na "Reality" song).

Di ko alam paano,kailan,saan siyang lugar non,
noong natagpuan nya ako,
or ako ba ang nakatagpo sa kanya...Di ko maalala... ^_^
Tinuruan niya ako paano,maging visible ang comment sa mga post ko.
Mula noon ngsusulpotan na ang mga kablog na ng cocoments sa akin.
(Flash back bah?)
Ayon tuloy nagkakandarapa na akong sumagot sa mga commentators
na nanghimasok sa mundo ko...Hehehe...
At araw-araw na akong excited kong may naliligaw ulit dito sa blog ko,
at ng iiwan ng bakas.



Si Dylan din kasi siya ang pinakaunang nang bigay sa akin ng award.
Suwerte niya tinaggap ko naman..Hehehe....
Sabi ka na nga ba eh,it would change the world of my blogging.
Di sana ako sasali sa mga tag tag at award award na yan.
(Alam ko din kasi ang iba dyan pag itatag mo,bibigyan ng award di nila gagawin,
mamimitsahan ang kanilang image).

(Bato bato sa langit ang matamaan may bukol sa puwit). ^_^

Okey lang...Naintindihan ko din naman eh...
Di naman lahat makakarelate.I respect everyone's individuality.



Since nanghimasok kayong pumasok sa mundo ko.
(na inisip ko na sa akin lang sana).
At sino naman ako na aayawan kayo,hala mgtagtagan na tayo!
Siguro din isa to sa mga paraan ninyo para lubusan nating
makilala ang isa't isa.
Cge na gagawin ko na! For the sake of our "Friendship"





Eto raw ang mga rules:

Magsabi ng (10) sampung bagay-bagay tungkol sa sarili mo.
(9) Siyam dun ang totoo at (1) isa ang kwentong barbero




1.) Lumaki ako sa hirap…

2.) Emotionally, physically, psychologically tortured ako ng Papa ko,

noong bata pa ako,hanggang pag high school Emotionally,

psychologically tortured na lang.(Atleast nag-improve).

Nalaman ko ang dahilan kong bakit ganon siya sa akin.

(Noong sumapit ang ika 18 taong gulang na ako.)

Ako pala ang sinisisi niya kung bakit namatay ang Kuya ko.

October 2,namatay Kuya ko,kinabukasan ipinanganak ako.

29 years ago na yon…
Walang araw noon na di ako umiiyak.Di ko masyadong na enjoy

ang pagkabata at pagteteenager ko. Kaya low self esteem ako.

Na nilalabanan ko naman.
(Habang sinusulat ko ito,nanginginig ang mga kamay ko,

at kalamnan).


3.)Gawaing panglalaki kaya kong gawin.Mag kumpuni ng sasakyan,

motor,at bike yong minor injuries lang.Humawak ng martilyo,at

magpala din naranasan ko na yan.Ipakita lang sa Papa ko na may silbi

ako sa buhay,at di matigas ulo ko.Gusto ko lang pakinggan din niya

kung ano ang nasasa luobin ko.

(Di sa lahat ng oras tama ang mga matatanda.

Kailangan din nilang makinig sa mga bata.)
Wag kaagad kayong magalit sa Papa ko. Lahat ng story ay

may dalawang mukha.
May dahilan siya kung bakit siya naging ganon.

Dahil din sa napagdaanan niya noong bata pa siya.

Wala poh tayong karapatang humusga sa sino man.
Di likas na walang puso ang Papa ko.Paraan niya yon para

pagtagpan ang kahinaan niya.
Pinatawad ko na siya,kahit minsan di ko maiwasang maalala

ang nakaraan.

Lalo na kung masusungit at tataasan niya ako ng boses ngayon.


4.) Maaga ako ng asawa para matakasan ko ang kalupitan ng papa ko,

at naghahanap na din ng comfort zone.

Kahit di ako umiibig sa nag alok sakin ng kasal,sige na lang.

Na di ko din natagalan,dahil subrang seloso,na wala sa lugar,

nakipaghiwalay din ako.

At ngayon pinakasalan ko na ang lalaking

minahal ko ng labis-labis ,at mahal na mahal din ako.

(Sarili kong pera,galing sa pamilya

ko at dalawa na ang bahay na ipinatayo ko para sa amin,

pati din pala gastos sa kasal)

(Love is not blind,love sees but it doesn't mind)

Wala yong lahat na bagay na yan pagmahal mo ang isang tao.

Pero ngayon ay unti unting pinapatay ang pagkatao ko.

Ibinigay ko ang lahat,

pero sa tingin ko di ko nakuha ang expectation ko

na nararapat lang sa akin.

Di naman ako demanding na tao, at mga simpling bagay,

at basic na pangangailangan

lang ang kailangan ko.Di pa kayang ibigay.

Naintindihan ko yan,kasi di naman ganon kataas

ang kanyang pinag-aralan.

Pero dapat ang lalake ang bumubuhay sa babae.

At sa madaming kadahilanan pa...naging pusong bato na ako.

I’m fall out of love.I don’t know what love anymore.

I already given to much.

Madami ang nanliligaw sa akin ngayon kahit may asawa na ako.
Okey lang daw maging pangawala sila sa buhay ko.

Naks! Ang haba ng hair!



5.)Naranasan kong maging,tindira,katulong,labandira…

(Kahit college level ako).

(To prove lang sa parents ko,na may plano ako sa buhay.)

Naging anchorwoman di ako for 2days.Ibinigay talaga

sa akin yong trabaho na yon.

Kaso takot ang nanaig sa akin kaya umatras ako.

Naging Newswriter,account Executive,

ako ng bagong local newpaper dito sa Davao.

Mga trabahong di ako masyadong

proud,kasi di ko naibigay ang best ko.

Naranasan ko na din gaano kahirap magtanim at mag ani ng palay.
Naging Seminar Sales Manager din ako sa isang

sikat na resort dito sa amin.
Pero di ako nakapagtrabaho ng matagal.

Ayaw ko ng may amo na pinapagalitan ako.

Madaling sumama ang loob ko.

Pero napakasuwerte ko pa rin,ngayon ko lang na realize.

Sa dinami daming mga taong naghahanap ng trabaho.

Sa akin ang trabaho mismo ang lumalapit.

Inaawayan ko naman.Takot ako sa responsibility at baka di ko

magampanan ng maayos.Madaming opportunity na pinalampas ko.


6.) Part owner ako sa fast growing na bagong tayong company

ngayon dito sa amin.

7.) Mahilig ako sa musika,videoke,soccer, billiard, basketball.

Mas gusto kong maglaro kaysa manood. Mahilig din ako sa poems…

8.) Natutolog ako katabi ang radyo,buong magdamang.

At natutulog ako kahit saan.

Kahit sa ibabaw ng nitso naranasan ko nang matulog.



9.) Naging PMT (Preparatory Military Training)

officer ako noong high school,

at naging Junior Police din.Pero lampa ako.

Ako ang naging pinakabatang leader,

supporter,at pinakamadaming dalang tao noong

nagdaang election ng mga Mayors.

(Sa probinsya ng Surigao,lugar ng asawa ko).

Kaso nga lang di nanalo ang manok namin.Nadaya.

(Sana di ako ipapatay ng nakaupong Mayor ngayon).

Ngayon ko pa na realize na dilikado pala yong naging trabaho ko.

Sinundan pala kami ng mga bodyguard niyang mga pulis.YAKS!!!!


10.) Kung naranasan ko ang hirap ng buhay,

naranasan ko din ang sagana.
Nakatulog na ako sa 1st class hotel, rode in a business

class airplane.

Eat the most expensive food,dine-in in the expensive restaurant.

Matagal ako kong mag-isip...

Ngkukulong sa loob ng banyo ng ilang oras.

Tinitimbang-timbang ko kasi ang mga bagay-bagay...

Di ako ng didisyon pag di ako sigurado.

Katulad ng Zodiac sign kung timbangan.(Libra).


Oppsss….I break the rules…

Walang kuwentong barbero ang sa akin…

Mahilig akong magbreak ng rules...Hehehe...

Di sa matigas ang ulo.Just to prove something lang....

Para maiba sa iba...(Ayaw ko ng stereotype).

(The people who do the difference, make stand-out the rest of the crowd)

It's my own Philosophy yan ha...Hehehe

Do the things you never been done...*#@?>/!@#$%^^)%(%%)%
Sorry nakalimutan ko anong kasunod...Maganda din yon...
Dungtungan ko na lang kong maalala ko na...Hehehe


Notice to the public:

Di ko ito isinulat para makakuha ng sampatiya sa mga kablog ko.
Iminumulat ko lang ang inyong isipan sa katotohanan

ng buhay, sa pamamagitan

ng mga napagdaanan ko…

Na di tayo nabubuhay sa pantasya…

Nakakahiya mang ibuklat ang libro ng aking buhay,

pero gusto ko lang i-share

at baka may mapulot kayong aral,

or makakarelate kayo sa akin.

(Ang story daw walang halaga,walang essence kung hindi i-share)

At kung paano ko nalampasan ang mga pagsubok na napagdaanan ko.

Kung may mga katanungan kayo,

o hihingi ng advice maari lang poh mag

iwan mg mensahe sa Author.BOW!


Oh ayan ha…Kuya Eli at Kuya Payatot

Nabuklat na ang libro ng buhay ko…
Mission accomplish na din ako...

Ipinapasa ko tong tag na ito sa kablog ko din na sina:

DJTammy

Rica


Winkie








4 comments:

pet said...

ganda naman ng wento mo, pang teleserye ito dapat..

medyo nanlambot lang ako sa asawa mo, kase p;arang may mali ano?

sayang ang relasyon nyo bilang mag-asawa, hangad ko na sana'y lumigaya ka rin tulad ko at matagpuan mo ang tamang lalaki o asawa( kung naghahanap ka pa) sa hinaharap..

kung kelangan ng kausap, andito lang kami to support..ingat na lang lagi lalo sa eleksyon..malapit na naman yon..wag masyado makihalo bilo sa mga kandidato..

delikado sila sa ganyang panahon..

Angie said...

To Kuya Payatot
Salamat Kuya,at na touch ka sa kwento ko...Di ko sana isulat yon,kaso yon mood ko na time na yon.
Ayon tuloy ang kwento.

Maraming Salamat din sa hangad mo Kuya.Only time can only tell.Ayaw ko ng magdesisyon nang padalos dalos,ako lang din ang napapahamak.

Nag aagawan na naman sila ulit sa serbisyo ko.Nagsimula na silang maghanap sa akin.Ako kais magtrabaho sinasapuso.Bigay tudo kung magbigay ng suporta.
Tama po yang advice ninyo Kuya...

Maraming,maraming Salamat poh sa supporta ninyo.... ^_^

Anonymous said...

wow.what can i say?i salute you for being very blunt and honest to your readers. they say prayer can move mountains, and it does. so dun 4get that.

your sacrifices will be rewarded for sure and you deserve that. thanks for dropping by my site.cheers. :p

Angie said...

To Flamindevi
Honestly at 1st I don't show my real emotion.I'm to afraid to show my real feelings...
Di ko ginawa yon para makakuha ng attention sa mga readers/bloggers.
(Sana noon ko pa ginawa yon)
But ako din ang subrang nahihirapan,subra ko nang na suppress ang naramdaman ko.
Kailangan nang ipalabas....

Tama ka "Love can move mountain",at the right time sabi mo di sa post mo.

Maraming Salamat din sa pagcomment sa akin...