Saturday, February 7, 2009

Reflection

Bago ko naisulat...na ipost ang mga personal letters ko dito sa blog ko...
Nagdaan muna ako sa napakahirap na crisis.
Ano ba talaga purpose ko???
Matagal....mahirap...masalimot ang pag-iisip ko.
So bumalik ako sa basic...

Reflection...


Ano ba talaga purpose ko???
Ano ba talaga ang gusto ko???
Bumalik ako sa mga simpling bagay na gustong-gusto kong gawin noon.
Magbasa,magshare ng aking kaalaman.
Ayon at natagpuan ko na ulit ang sarili ko.

Mga nakatagong damdamin ko ay naipapalabas ko na.

Na alala ko ang sinabi ng Mama ko noon isinilang na ako sa mundong ito.
Ofelia ang ipinangalan sa akin,kasi October daw ako ipinanganak.
Yon kasi ang suggest ng medwife na nagpaanak sa akin.
At Celia daw pangalan niya.Kasing tunong nang pangalan kong totoo Ofelia.

Naging iyakin raw ako noon.Ngtataka sila.
Kahit busog,karga-karga umiiyak raw ako.

Nangtataka ang mga magulang ko,at Lola ko.
At ayon,binigyan nila ako ng palayaw na ANGIE.
Mula daw noon di na ako iyakin.

Ang totoong pangalan ko sana ay Angela.
Yon ang gusto ng Lola ko,kaso raw naisulat na sa birth certicicate ko ang Ofelia,
kaya hinayaan na lang,kasi daw di na mababago yon.

Pero may paraan talaga si Lord.
Ganyan daw yan,bago pa tayo ipinanganak may nakalaan ng pangalan para sa atin.
Kung di mo daw gusto yong pangalan mo...Iiyak at iiyak ka katulad ko.

At ngayon ko lang narealize ko ano talaga ang Meaning ng pangalan ko.
Angie from the greek word Angel,means Messager.

Kaya pala naranasan kong maging depress kasi,dumating ang time na wala na akong pakialam.
Kahit may alam ako,tumatahimik lang ako,ayaw kong maging involve.

Dapat pala talaga ilabas ko,ishare ko ang mga nalalaman ko kasi ang purpose ko sa mundo
itong maging mensahera.

Mas kilala ako sa pangalan kong si Angie na palayaw ko,kaysa totoo kong pangalan na Ofelia.
Kasi pala Angie pala talaga ang dapat kong pangalan.
Ito ako,ako ito...Si Angie...

Nandito poh ako...handang makinig at magshare ng nalalaman ko,dahil ito pala ang mission ko sa buhay...
Di ko akalain sa ganitong paraan ko maipamamahagi ang mga nakatago kong kaalaman...

3 comments:

pet said...

hello angie, tuloy lang ang buhay basta kapit lang tayo lagi na sana'y makaya natinlahat ng pagsubok kase kung magiging marupok tayo e wala tayong maibabahagi sa iba na mas nangangailangan..

Anonymous said...

nice to hear it angie. this is how God made us...with purpose.

Angie said...

To Kuya payatot:
Kuya Payatot maraming Salamat poh sa payo ninyo...
Tama poh kayo,kailangan nating maging matatag sa lahat ng pagsubok sa buhay natin...
Maraming Salamat poh talaga sa inyong supporta... ^_^


To Kuya Eli

Maraming Salamat Kuya Eli.
Oo nga poh God made us with a purpose kasi minsan di natin tinatanggap ng maluwang yon minsan,kaya tayo nahihirapan...
Ngunit ipapa alala at ipapa alala pa rin NIYA sa atin kung ano ang purpose natin dito sa Mundong ito...
Minsan kasi di natin tinatanggap ng maluwag kasi nauunahan tayo ng takot.Pero wala palang dapat ikatakot pag SIYA ang kasama.
saglit kong nakalimutan yon...
Maraming Salamat poh talaga sa pa alala...At supporta... ^_^